top of page

BANSANG BUSOG ANG MAMAMAYAN DAHIL SAGANANG AGRIKULTURA RAMDAM SA ATIN

PILIPINAS, NAITALA ANG 8.7% INFLATION RATE NOONG ENERO, 2023

  • Writer: JM Javier
    JM Javier
  • Feb 18, 2023
  • 2 min read

Laman ng mga pangunahing balita ang mabilis na pagtaas sa 8.7% na inflation rate sa bansa nitong Enero. Mas mataas ito ng point 6% sa naitalang 8.1% noong Disyembre ng 2022. Ito na ang pinakamataas na inflation makalipas ang labing apat na taon mula nang maitala ang 9.1% noong 2008.


Napatunayan ito sa antas ng buhay at pamumuhay ngayon lalo na sa mga mahihirap na Pilipino. Si Aling Elena, ramdam ang pagbigat ng buhay sa araw-araw dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Yan ang tinatawag na Inflation Rate—ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa tulad na lamang ng renta sa bahay, bayarin sa tubig, kuryente, gas at iba pang petrolyo. Kasama rin ang food and non-alcoholic beverages, maging ang restaurants, transport at accommodation services na siyang pangunahing dahilan ng inflation, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.


“This is just the 1st month. I know people are expecting it to go down. Unfortunately, there are items na medyo hindi natin made-detect like housing rentals. Ito yung lumalabas na contributory at mataas pa rin yung contribution ng food. Out of the 13 major commodity group that we are tracking. 9 commodity groups actually increased, yung transport, it went down slightly lang, pero double digit pa rin….”

Usec. Dennis Mapa -- National Statistician, PSA


Nagpakita ng mataas na inflation sa Metro Manila na pumalo sa 8.6%

8.7% naman ang mga lugar na nasa labas ng kalakhang Maynila

Paliwanag ng PSA, unti-unting nagbubukas ang ekonomiya kaya nagkaroon ng adjustment sa naturang mga produkto at serbisyo


Tiwala naman si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na babagal ang inflation at posibleng maramdaman ito sa ikalawang quarter ng 2023 lalo pa't puspusan ang mga hakbang ng pamahalaan para mapababa pa ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa. Tiniyak din ng mga mambabatas na maibalik ang sapat na supply at presyo ng mga pangunahing bilihin.


Pero ayon sa pinakahuling World Economic Outlook ng International Monetary Fund, Hindi lang sa Pilipinas kundi isang pandaigdigang problema ang pagbilis ng inflation dahil sa sunod-sunod na krisis na nararanasan sa ibat ibang panig ng mundo.





 
 
 

Comentários


NEWS | ARTICLES

Contact us
Follow us

© 2022 by Bansang Busog ang Mamamayan Movement

bottom of page