2025 SUMMER PROGRAMS NG DEPED, PINALAWIG
- JM Javier
- Apr 11
- 1 min read
𝐁𝐀𝐒𝐀𝐇𝐈𝐍:
Ayon sa DepEd, pagtugon ito sa learning gaps ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ang programang ito ay focus sa reading at mathematics.
“We are dedicated to creating opportunities for all students to thrive,”
-DEPED SECRETARY SONNY ANGARA
Para sa Key Stage 1, magsasagawa ng Bawat Bata Makabasa Program para sa Grades 1-3 sa Region 9.
Literacy Remediation Program naman para sa Grade 3 learners sa lahat ng rehiyon maliban sa Region 9, 6, 7 at 10 schools na kasama sa 2025 Learning Camp.
Para sa Key Stage 2, ipatutupad ang Summer Academic Remedial Program para sa Grades 4-12 learners na hindi pumasa ng 1-2 subjects.
Ang mga guro na magsisilbi sa summer sessions ay babayaran ng DepEd.

Comments